Actress Christine Reuyan, Nabiktima ng Isang Impostor na Nagpanggap na DBM Direktor?

NI: Rosahlee Bautista

Naiulat kamakailan na ang dating manunulat ng palakasan ng Manila Bulletin na si Virginia Rodriguez , ngayon ay tumatayong punong tagapamahala ng isang construction firm ay dumulog sa tanggapan ng Nationa Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation Detection Unit (CIDG) upang humingi ng tulong dahil diumanoý nakatanggap siya ng death threats. Ang itinuturo niyang isa sa mga suspek ay ang negosyante at nag aartistang si Christine Reuyan.

Ngunit sinabi ng huli na siya ay nag-invest ng malaking halaga matapos lumapit sa kanya si Virginia, nakipagkilala at nakipag-transaksiyon sa kanyang kompanya. Nagpakilalang Director raw diumano ng Department of Budget and Management si Rodriguez.

Pumutok ang balitang ito matapos magpalabas ng artikulo si Virginia Rodriguez tungkol sa death threats na kanya diumanong natanggap. Sinulat iyon nina Dave Medina ng Saksi Ngayon noong ikapito ng Oktubre; Alvin Murcia ng Daily Tribune,Tribune. Net. Ph na lumabas naman noong ikawalo ng Oktubre,taong kasalukuyan ; Naglabas din ng artikulo tungkol dito ang Hataw at Remate online at isinulat rin ito ni William Depasupilin ng Manila times; na nagsasaad na itong si Virginia Rodriguez, matapos raw niyang sibakin sa kanyang kompanya sina Christine Reuyan, Mark Guerrero, Jose Gayoba kilala rin bilang si “Madam Lola” at Myla Gumban , doon siya nagsimulang makatanggap ng mga pananakot ng pagpatay sa kanya. Sinasabi rin ni Rodriguez na siya ay may mabigat na ebidensiya laban sa mga nabanggit na pangalan sa itaas na sila nga ay nagplanong ipapatay siya at nagbayad diumano ang mga ito ng tao upang isagawa ito. Dagdag pa niya, sinisira din daw diumano ng mga ito ang kanyang reputasyon sa mga tao.

Sino nga ba si Christine Reuyan? Bukod sa isang artista ay isang matagumpay na negosyante ng isang malaking construction company na rehistrado sa Department of Trade and Industry. Si Christine ay may-ari at CEO rin ng isang Call Center at isang government contractor.

May nalikom kaming pirmadong dokumento na nagpapatunay at nagsasaad mula mismo sa talaan ng records ng DBM, na hindi kailanman naging konektado itong si Virginia Rodriguez o ang nagngangalang Angelica De lantar o Angelica Vega, sa kanilang Central at Regional offices, taliwas sa sinasabi ng mga nabanggit na silaý kawani at opisyal ng naturang ahensiya. Malinaw na peke o palsipikadong dokumento ang ipinakita nito kay Christine at sa iba pa nilang naging biktima.

Dagdag pa ng Department of Budget and Management, may abiso silang inilabas para sa publiko, isang babala na nagsasaad na mag-ingat at ipinapabatid sa lahat na nakarating sa kanilang tanggapan na may mga taong nagpapanggap na silaý kawani o opisyal ng DBM at may kakayahan o mang-impluwensiya ng mga opisyal nito sa taas upang agad na maaprubahan ang isang panukala at maglabas ng mabilisang budget para sa mga Local Government Unit or LGUs.

Ayon pa sa report na natanggap mula sa iba’t ibang LGUs, ang mga pangalang nasa listahan ay ang mga taong nagpapanggap na silaý kawani o opisyal ng Department of Budget and Management : Kabilang sa listahan ay sina Angelica Vega/ Angelica Delantar at Virginia Rodriguez .

Sila Vega/Delantar at Rodriguez ay naiulat na nangongolekta ng pera mula sa mga LGUs at namemeke ng mga dokumento tulad ng: Special Allotment Release Orders; Notices of Cash Allocation at Advice of NCA issued, at iba pang mga liham na pirmado pa ni Sekretaryo Wendel Avisado.

Nais ipabatid ng DBM sa publiko na itong sina Angelica Delantar o Angelica Vega at Virginia Rodriguez o kahit sinupaman ay walang pahintulot na mangolekta ng pera na maaaring gamitin sa anumang layunin. Malinaw na isa itong malaking panggogoyo. Ang kasong Estafa (Swindling) is punishable under Article 315 of the Penal Code.

(Rosahlee Bautista / lazarusoctobre@gmail.com / 10262020)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s