Joed Serrano, Isusugal ang Pagpo-produce ng Mapangahas na Pelikulang “Anak ng Macho Dancer”

NI: Rosahlee Bautista

Dating artista – na ngayon ay isang movie producer ng si Joed Serrano, ipinagmamalaki ang pelikulang Anak Ng Macho Dancer. Nang siyaý makapanayam ni G. Throy Catan, aminado itong isang sugal ang mag-produce ng pelikula sa panahong ito ng pandemic, pero naniniwala siyang sulit ang pelikula, kamala-malaki ito. At hindi siya nababahala.

“Maituturing na isang obra mula sa award winning director na si Joel Lamangan ang Anak Ng Macho Dancer. Bukod pa sa mga bigating artistang kasama sa pelikula, tulad nina Allan Paule, Jaclyn Jose , William Lorenzo na kasama sa original cast ng Macho Dancer. Kasama rin sina Jay Manalo , Emilio Garcia at Rosanna Roces. Malaki ang tiwala ko na itoý tatangkilikin dahil sa appeal nito sa masa.” Pagbabahagi ng dating actor.

Isang matapang at mapangahas na pelikula ang Anak Ng Macho Dancer, bukod pa sa mismong kuwento, yong kasalukuyang sitwasyon din ng movie industry ngayon dahil sa pandemic. Sinagot naman ito ng guwapong producer na siyempre kailangang sumabay sa trend, adjustment sa new normal. Lahat naman napapanood na sa social media. Kung may gadgets, mas magiging okey kasi mapapanood nang mas komportable pa sa kani-kanilang mga bahay, parang pay per view , iki-click na lang sa link.

Malawak ang saklaw ng kuwento . Ang pagtulong ng anak sa amang dating macho dancer na nasa gitna ng hirap at pagkakasakit sa panahon ng Covid , ito ang essence ng Anak Ng Macho Dancer. Ipapakita yong koneksiyon at malalim na relasyon ng mag-ama na hindi natinag ng kahirapan. Maipapakita dito yong family values. Typical Pinoy kahit nasa gitna ng krisis.

Ang Direktor ng naturang pelikula ay gumanap ding artista sa original na Macho Dancer noong 1988, sa direksiyon ng namayapa ng si Lino Brocka. Ina-inahan si Direk Joel ng mga barakong mananayaw sa launching movie noon ni Allan Paule.

Parang sequel na rin ito ng Macho Dancer dahil nga kasali rin mga karakter nila William Lorenzo, Allan Paule at Jacklyn Jose.

Ipoprodyus ito ng Godfather Entertainment Productions na pag-aari ni Joed Serrano at sisimulan na ang Lock-in shooting nitong Nobyembre.

Dagdag pa ni Joed , “Hindi ko masasabi na okay na okay na ako, pero tulad din ng ibang negosyo, kapag hindi maganda ang kalalabasan nito sa huli, bangon lang, until you hit the jackpot.”

Si Joed ay isang experienced concert producer. Isa siya sa naging co-producers ng concert ni Celine Dion sa Pilipinas. Ilan sa mga kilalang mang-aawit ang dinala rin niya sa bansa tulad nila Katy Perry, James Ingram, The Jonas Brothers, Boyzone, Michael Learns To Rock, The Stylistics, Korean singer Psy, “American Idol” finalist Jasmine Trias, Pentatonix, Snow Patrol, and Lifehouse.

Kapansin pansin rin ang pagiging blooming ni Joed ngayon at hindi niya ikinailang in-love at masaya siya sa bago niyang kapartner na isang pulis. Dalawang buwan na ang kanilang relasyon at nakilala raw niya ito matapos niyang mabangga ang sasakyan at wala siyang dalang lisensiya nong mga panahong yon.

Nakatakda ring i-produce ni Joed ang Anak Ng Burlesk Queen. At excited rin niyang ibinahagi ang BL series na hango sa kanyang tunay na buhay . Tiniyak ni Joed na ang BL series na may tiitulong Joed ay kapupulutan ng maraming aral.

Tampok rin sa Anak Ng Macho Dancer ang mga baguhang sina Ricky Gumera, Charles Nathan, David Schion, Miko Pasamonte, Niel Suarez at Sean De Guzman, mula sa Clique V, na siyang napiling bida at siyang gaganap na anak ni Allan Paule na siyang original Macho Dancer . Kapansin pansin ang strong resemblance nina Allan Paule at Sean De Guzman. Isang malaking break ito para kay Sean, maging claim to fame din sana niya ang pelikulang ito at huwag lang magkahangin agad sa ulo. (El Agua Es Azul / lazarusoctobre@yahoo.com)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s