Gardo Versoza, bagong endorser ng F2N Theobroma

NI: Throy Catan

ISA nang brand ambassador ng F2N Theobroma ang actor na si Gardo Versoza. Kilala ang F2N Theobroma sa kanilang produkto na gawa sa cacao. Isa na sa mga best sellers nila ay Theobroma coffee, slimming juice, Theobroma Cacao Superfood, and many more.

Bago pumayag si Gardo bilang endorser, ginamit muna niya ito at nagustuhan niya ang resulta.

noong pinadalhan ako ng mga produkto, may mga ginamit na ako lalo na roon sa aking pagba-bike, at ipinatikim sa mga kapwa ko bikers, ang mga ka-grupo ko sa Cupcake Biker, at napakaganda ng resulta sa kanila.

“Katunayan, tinanong agad nila ako kung kailan uli ako magpapatikim? Ha ha ha. Ang sabi ko isang beses lang, at alam na nila ang kasunod niyon. Pero dahil part na tayo ng pamilya ng F2N, mayroon tayong special na priviledge lalo na sa pagbili ng products nila,” kuwento ni Gardo.

Hindi lang sa effective results ng F2N Theobroma napaoo si Gardo, nagustuhan din niya ang pagiging God-centered ng company.

“Bale si kumander, Ivy, muna ang kausap ng F2N and then ipinakilala ako. Tapos noong nagka-usap-usap kami, ang nakaantig sa akin eh ‘yung napaka-malapit ng pamilya F2N kay Kristo.

“Siyempre bago tao maging successful sa isang adhikain natin, dapat ‘yun ang inuuna natin lagi. So automatic naramdaman ko na halos pareho kami ng frequency. Kaya noong ipinakilala na nila sa akin ‘yung produkto nila, mas madali nang maniwala.” sabi ni Gardo.

Ayon sa Corporate Management Consultant ng F2N na si Josephine Roxas, mas gusto nila ang mga user ng kanilang produkto ang maging endorser. Hindi nila habol kung sikat ba ang endorser o hindi.

Maliban kay Gardo, ikinuwento rin ni Josephine kung paano naging unang endorser nila si Aiko Melendez. Anya, “Hindi ito ang tinitingnan natin kundi iyong life, journey, tulad ng kay Aiko na naging product user muna siya. Bumibili siya talaga sa atin bago natin siya kinuhang product endorser. Kaya nga noong may nagsasabing basher na ‘endorser lang naman ‘yan’ alam natin na hindi totoo. User talaga siya at naniniwala siya sa produkto natin.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s