Ynna Asistio at Geoff Eigenmann, bibida sa unang teleserye ng NET25 “Ang Daigdig Ko’y Ikaw”

NI: Throy Catan

NI-LAUNCH ng NET25 ang kauna-unahang romantic drama na pinamagatang “Ang Daigdig Ko’y Ikaw”. Inanunsyo ang nasabing teleserye last Tuesday, November 10 sa INC Museum katabi ng EBC Studios.

Bibida sa teleserye sina Ynna Asistio bilang Reina at Geoff Eigenmann bilang Romer. May special participation pa ni Ms. Elizabeth Oropesa bilang Mayor Etta Almazan.

Ang istorya ay tungkol kina Reina at Romer. Si Romer ay isang seaman na bumalik sa Pilipinas para magbakasyon at pansamantalang magtatrabaho bilang bellboy sa isang hotel. Si Reina naman ang anak ng may ari ng hotel kung saan nagtatrabaho si Romer.

Kahit na malayo ang kanilang estado sa buhay, muli sila magsasama at ipaglalaban ang kanilang pag-ibig.

Related din ang unang episode sa new normal. Mag-uumpisa ang teleserye ng magdeklara ang gobyerno ng nationwide lockdown dahil sa pandemya.

Maliban kina Ynna Asistio, Geoff Eigenmann, at Elizabeth Oropesa; kasama rin sa cast sina Tanya Gomez, Richard Quan, Shiela Marie Rodriguez, Arielle Roces, AJ Muhlach, Anna Mabasa-Muhlach, Manolo Silayan, Jiro Custodio, Paulyn Ann Poon, Myrna Villanueva Tinio and Jellex David.

“Ang Daigdig Ko’y Ikaw” ay dinerek ng multi-awarded Eduardo Roy, Jr. at penned by Bing Castro-Villanueva, under the supervision ng direktor ar writer na si Nestor Malgapo, Jr.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s