Ricky Gumera: squatter boy noon, movie actor ngayon

BY: Throy Catan

MALA-teleserye pala ang buhay ni Ricky Gumera. Hindi na ako magtataka na magiging maganda ang pag-portray ng kanyang role sa pelikulang “Anak ng Macho Dancer”.

Gaganapin niya ang role na si Kyle na inabuso ng sariling ama. Gaganap siyang anak ni Jay Manalo.

Ikinuwento ni Ricky ang kanyang buhay sa harap ng press. Laking squatter siya kasama ang kanyang 11 magkakapatid na iba-iba ang tatay (may 3 doon iisa ang ama). Pang-apat siya.

Noong bata pa lang ay inambandona na siya ng kanyang magulang. Ang tumayong ama’t ina ay ang kanyang lolo at lola. Hindi nagtagal, pinaampon ang mga kapatid niya. Hindi rin alam ni Ricky kung sino ang tunay niyang ama.

Mula elementary hanggang high school, kandila ang gamit niya sa pag-aaral dahil wala silang kuntador. Pumapasok daw siya noon kahit walang baon. Basta’t bago raw siya umalis ay makakain siya ng tirang kanin.

Dahil sa sipag, tiyaga, at tulong ng mga nagmamahal sa kanya; paunti-unting umuunlad ang kanyang buhay. Na-try na niya ang iba’t ibang trabaho noong bata pa siya katulad ng pagluluto ng kaning baboy, nangangalakal, tagabuhat ng softdrink cases at iba pa.

Ang tumutulong sa pag-aaral niya ay ang kanyang ninag na may softdrink business kapalit ang pagtatrabaho niya rito.

Nang lumaki ay sumasali siya sa mga clubs hanggang sa nakakuha siya ng scholarship at nagtapos sa kursong BS Marine Transportation.

Ngayon na 21 na siya, masasabi na maganda ang future ni Ricky dahil sa maraming blessing ang natatanggap niya. Una, ang pagkapanalo niya sa Mister Global Philippines 2019. Pangalawa, ang first movie niyang “Anak ng Macho Dancer”.

Maliban kay Ricky, tampok din sa pelikula sina Allan Paule, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo, Emilio Garcia, Chloe Sy, Charles Nathan, David Schion, Miko Pasamonte, Niel Suarez, at marami pang iba.

“Anak ng Macho Dancer” will release next year. The movie is produced by Joed Serrano and Grace Ibuna of God Father Productions in cooperation with Black Water. It will premiere the uncut version of the movie in December at UP Film Center.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s