Andrew Gan , lead star for BL series “Limited Edition”

NI: Throy Catan

FINALLY! Bibida na sa unang pagkakataon ang actor-businessman na si Andrew Gan. Ito na ang pasabog ng kanyang career dahil sa unang buwan ng taon nakuha niya ang lead role as Jethro sa isang BL series.

Paano ka ba napili sa nasabing lead role?

“Actually, nag-audition po ako talaga for the role. Bigalaan lang po and luckily po nakuha ko pa ang lead role. At first, medyo kinabahan nga ako baka ‘di ko makuha ang role pero siyempre nag-pray po talaga ako na sana ito na po ang wini-wait kong break and ayun po. Mga ilaang oras po nag-call po sa amin na ako na daw po ang nakuha for one of the lead roles” bungad ng guwapong actor.

Anong naramdaman mo nung nalaman mo ikaw na finally ang nakuha for lead role?

“Sobrang natuwa po siyempre kasi matagal ko na po ito hinihintay and siyempre may pressure at the same time. Sa totoo lang, kamuntik-muntikan na po ako mag-give up at tuluyan ng lisanin ang mundo ng showbiz dahil po sa kawalan ng proyekto lalo na ng magka-pandemic pa po. So, ‘yun po.” deklara pa niya.

Sa nagyon, pingsasabay ni Andrew ang pag-aartista at pagnenegosyo. Muntik na siya mag-give-up at tuluyang talikuran ang mundo ng showbiz. Pero, dahil nga sa pag-pray, tanging sa Diyos na niya inaaasa ang magandang desisyon kung mag-quit na siya or hindi sa showbiz.

Ngunit sa pagkakataon ito, muling nagbalik ang sigla niya ng makuha nga niya ang lead role sa BL series na “Limited Edition” na produce ng mabait at napaka-generous na CEO/president ng Bragais Shoes na si JoJo Bragais.

Sobrang thankful naman ang aking anak-anakan na si Andrew sa magandang blessing ng unang taon at bongga na agad ang pasok sa kanya. Siyempre nagpapasalamat siya kay Jojo Bragais, Michelle Jhoie Ferraris (producers), Miss Weng at Jill Urdaneta (director) dahil sa tiwala na ibinigay sa kanya para sa nasabing series na Limited Edition. Kasama din sina Ron Angeles at Jomari Angeles na parehong mahusay na actor ng makabagong panahon.

Super duper daring si Andrew sa series na character ni Jethro na ma-inlove ka’y Mario na ginagampanan ni Jomari (Angeles).

Makakasama ni Andrew sa Limited Edition sina Best Actress Ruby Ruiz, Best Actress Iyah Mina, Michelle Jhoie Ferraris, Donna Caraan at iba pa. Sa panulat ni Joni Fontanos, directed by Jill Urdaneta, produced by Jojo Bragais at Michelle Jhoie Ferraris; at mapapanood sa Bragais TV (YouTube channel) ngayong February 2021.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s