Cloe Barreto at Marco Gomez, may mainit na eksena sa pelikulang “Silab”

BY: Throy Catan

PINAKILALA sa entertainment media ang dalawang baguhang artista na talaga naman mapapa-wow ka sa kanila. Ang bagong pantasya ng bayan na sina Cloe Barreto at Marco Gomez.

Kapwa members sila ng all male/female group, si Cloe ay sa Beladonnas at si Marco ay sa Clique V.

Si Cloe ay maalindog, maganda at mahusay na actress. Una ko pa lang siya nakita, alam ko na may ibubuga ito especially ng makita ko ang cameo role niya sa “Anak ng Macho Dancer” na alam ko na may angking talento ito sa pag-arte. Sabi nga nila, nag-ala-Chin Chin Gutierrez daw ito sa aktingan. Well, super duper agree naman ako diyan.

Marco is a very potential actor. Mala-Richard Gomez talaga ang kawangis nito. Una ko pa lang nakita and I know may mararating talaga ito. This is it, may movie na agad ang hunk aktor na talagag pagkakaguluhan ng mga kababaihan at mga kabadingan.

Sina Cloe at Marco ay under the management of Len Carrillo na talaga naman very hands on sa kanilang mga career. Masuwerte ang dalawa dahil may nanay Len sila na nagpo-produce para sa kanilang launching movie na “Silab” under 3:16 Media Productions. Ito’y sa direksyon ni Joel Lamangan at isinulat ni Racquel Villavicencio.

Masayang natapos ang shooting nitong Linggo lang. Nagsimula ang shoot nila from Pampanga at nagtapos sa Lian, Batangas na kung saan dumayo sila para hanapin ang magandang spot para mas lalong gumanda ang pelikula.

Aminado sina Cloe at Marco na sa una’y nahirapan sila sa kani-kanilang role pero, dahil sa determinasyon sa kanila ng kanilang nanay Len na very supportive sa kanila ganon din ang direktor na si Joel Lamangan, binigay nila ang lahat para mas gumanda ang pelikula na talaga namang daw bongga ang mga eksena at istorya ng nasabing pelikula.

Sa ngayon, parehas single si Cloe at Marco pero aminado si Cloe na crush niya si Jason Abalos noon pa. Ni-request niya na makasama ang aktor para sa kanyang solo movie pero hanggang crush lang daw kasi alam naman niya na may GF ito na si Vickie Rushton, ang beauty queen.

Crush naman ni Marco si Ivana Alawi na pantasya niya noon pa and, kung may chance daw, gusto niya makasama si Ivana sa proyekto.

Sa ngayon, mukhang nagbabalik na ang mga seksing pelikula na ang mga bida ay tulad nilang mga baguhan sa showbiz. Ang bentahe ay ang katapangan sa pagpapakita ng katawan at pagiging palaban sa mga love scenes. Nang tanungin namin sila kung gaano sila ka-game sa mga nakakikiliting romansahan, sabay nilang sinabi panoorin na lang daw ang movie, pero tinitiyak nilang hindi mabibigo ang manonood sa maiinit na eksena nila Cloe, Marco at Jason.

Tiyak daw pag-uusapan ang pelikula dahil sa ganda ng pelikulang “Silab”. Kakaibang Cloe at Marco daw ang mapanood nila. Kung dati’y pa tweetums lang sila, pakanta-kanta, pasayaw-sayaw. Now, magsisilab daw ang lahat sa bago nilang anyo sa larangan ng sining.

Samantala, kasama din sa pelikula sina Chanda Romero, Lotlot de Leon, Quinn Carrillo, Karl Aquino, Jim Pembengco at marami pa. So, mga anak, goodluck and we believe in you!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s