“Sikat Noon, Sikat Ngayon”, bagong talk show with China Roces, Lito De Guzman, at Throy Catan

NI: Throy Catan

PANOORIN ang premiere ng bagong talk show ng EuroTV na “Sikat Noon, Sikat Ngayon”. Mapapanood ang nasabing show sa EuroTV Facebook page sa Sabado ng hapon, Pebrero 13, 4 to 5 PM. Ito ay variety show at talk show in one.

“Hatid ng EUROTV ENTERTAINMENT ang programang SIKAT NOON, SIKAT NGAYON, ang programang punong-puno ng KANTAHAN, SAYAWAN, TAWANAN, at CHIKAHAN” sabi ng caption sa FB post ng EuroTV.

Sina China Roces, Lito De Guzman, at Throy Catan ang mga host ng “Sikat Noon, Sikat Ngayon”. Kilalang vlogger at artista si China. Nagsimula siya bilang isang modelo ng iba`t ibang mga magazine. Ngayon, siya ay isang proud mommy at nagva-vlog sa kanyang personal life YouTube kanyang YouTube channel.

Si Lito De Guzman ay isang talent manager, star-builder, choreographer at host. Isa sa kanyang sikat na dating talento ay sina Ynez Veneracion, Rita Magdalena, Hazel Espinosa, at ang sexy star na si Ramona Revilla. Siya rin ang manager ng Baywalk Bodies at Wonder Gays.

Si Throy Catan ay nagsimula bilang isang kolumnista noong dekada 90. Sigurado ay nabasa niyo na ang kanyang mga columns sa Remate, People’s Balita, Toro, Saksi at Pinoy Parazzi. Pinagsasabay niya ang kanyang trabaho bilang isang kolumnista at isang talent manager. Isa sa mga talent niya ay ang dating housemate ng PBB na si Tori Garcia, I Can See Your Voice See-nger na si John Arcenas, ang star ng Daddy’s Gurl na si Ara Altamira, ang dating Tawag ng Tanghalan contestant na si Irene Solevilla, at marami pa. Mayroon din siyang channel sa YouTube, Throy Catan, kung saan nag-a-upload siya ng mga video araw-araw.

Huwag palalampasin ang “Sikat Noon, Sikat Ngayon” sa EuroTV Facebook page ngayong Sabado. Kung na-miss mo ito, mapapanood mo pa rin ang replay sa Facebook page ng EuroTV anytime.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s