Jomari Angeles, bibida sa BL online series na “Limited Edition”

NI: Throy Catan

MATAGAL nang umaarte sa pelikula si Jomari Angeles. Karamihan sa mga ito ay independent films pero mga dekalibreng direktor ang kanyang nakatrabaho. Isa na rito sina Chito Roño (Signal Rock), Dan Villegas (Hintayan ng Langit) and Brillante Mendoza (Ma’ Rosa). Kahit na ganito, never pa siya nag-lead.

Ngayon, masaya si Jomari na nakuha niya ang lead role sa bagong BL online series na Limited Edition. Makakasama niya rito sina Ron Angeles at Kapuso star na si Andrew Gan.

Naalala ni Jomari ang mga karanasaan niya noon bilang aktor at kung ano ang mga natutunan niya.

Anya, “Every new character is a chance for me to learn, an opportunity to absorb skills and techniques from how a director guides and motivates you, and how a co-actor inspires you with his or her years of experience,“

Kahit na hindi niya nakukuha ang mga lead roles noon, hindi siya sumusuko hanggang hindi niya ito natutupad.

“I go to every audition equipped with the most realistic expectations while hoping for the best. So when I was told that I got the lead role, I was just so happy and thankful.” kwento niya. And here he is, nakuha nga niya ang pangarap niya.

Hindi basta-basta ang paggawa ng nasabing online series, talagang pinaghandaan nila ito at nagkaroon pa ng workshop para lumabas ang galing nila sa pag-arte. Gusto kasi ng direktor na si Jill Singson na maging komportable ang kanyang artista. Workshop expert at aktres na si Angeli Bayani ang pinili nina Jill at line producer Weng Concepcion para magturo sa acting workshop.

“An actor is expected to get into his character, whether you are in all the frames or in just a few scenes. When the audience remembers you in particular scene and recalls your lines, you know you did a good job as an actor.” sabi ni Angeli.

Mapapanood ang “Limited Edition” sa Bragais TV soon. Maliban kina Jomari, Ron at Andrew, kasama rin sina Donna Caraan, Best Actress Ruby Ruiz, Best Actress Iyah Mina, Michelle Jhoie Ferraris. at iba pa. Sa panulat ito ni Joni Fontanos at produced by the master shoemaker Jojo Bragais.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s