Irene Solevilla, sasabak sa komedya sa “Pamilya Labulabo”

NI: Throy Catan

ENDORSER na ng “Erase Beauty Care” ang singer/actress na si Irene Solevilla. Kasabayan din niya sa endorsement ang kanyang kapatid niya sa management at “See-nger” ng I Can See Your Voice na si John Arcenas. Ang Erase ay isa sa pinaka-popular na beauty product sa merkado ngayon.

Maliban dito, showing na sa YouTube ang dalawang episodes ng online comedy series ni Irene na “Pamilya Labulabo”. Produced and directed ng komedyanteng si Dinky Doo ang nasabing show. First time sasabak sa komedya ang singer/actress.

Makakasama ni Irene sa show sina Alynna Velasquez, Garie Concepcion, Kara Honasan, Bong Alvarez, John Arcenas, Dagul, at JKhriez.

Samantala, available na rin ang kanyang latest single na “Sa Isang Iglap” sa Spotify, iTunes, at iba pang online music platform. Ang “Sa Isang Iglap” ay kinompos ni Romer Nelson Timbreza at ni-record at ni-mix sa Vehnee Saturno Music Corp

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa upcoming concerts and TV/radio appearances ni Irene, visit Irene Solevilla Facebook page.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s