Matt Lozano bilang Big Bert Armstrong sa “Voltes V: Legacy”

NI: Throy Catan

KAHIT na mainit na pinag-uusapan ang Filipino adaptation ng Voltes V na Voltes V: Legacy, marami pa rin ang excited na mapanood ito.

Kamakailan lang ay ni-reveal na ang mga artistang gaganap sa nasabing teleserye. Isa na rito ang Kapuso actor-singer na si Matt Lozano. Gagampanan niya ang role na si Big Bert Armstrong.

Big deal ito kay Matt–not only kasama siya sa malaking proyekto na ito– dahil ito ang first major role niya sa teleserye.

Sa mga hindi nakakaalam, pumasok sa showbiz si Matt bilang singer. Minana niya ang galing sa pagkanta sa kanyang ina na si Elaine Lozano na kilalang original Nescafe Girl noong dekada 80’s. Sinubukan ni Matt bilang miyembro ng banda, naging soloist, at sinubukan na ring sumali sa reality show.

Hanggang sa inayaya siya ng kanyang kaibigan para mag-audition para sa Voltes V: Legacy. Nagkataon na pasok siya sa requirment na hinahanap ng mga decision-makers ng GMA.

“Everything happens for a reason and unravels at the most perfect time. I am just thankful that this break came at a point in my life when things seemed so unclear. I will seize every moment because opportunities like this do not come very often,” sabi niya.

Matagal na rin nananatili sa showbiz si Matt at sa wakas ay nag-uumpisa na ang kanyang suwerte.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s