2nd elimination night ng Mr. & Ms. Paseo de San Pablo 2021, successful

NI: Throy Catan

KAHIT na may pandemya, successful ang 2nd elimination night ng Mr. & Ms. Paseo de San Pablo 2021 na ginanap sa Paseo de San Pablo Shopping Arcade, San Pablo City, Laguna last Sunday, March 7.

Bago pa nag-umpisa ang nasabing pageant, they make sure na susundin ang lahat ng COVID-19 protocol. Lahat ng kandidato ay naka-face shield at lahat (pati rin ang audience) ay layu-layo sa isa’t isa.

Naglaban-laban ang 18 kababaihan at kalalakihan hanggang sa 14 na lang ang kinuha para sa gaganapin na grand coronation night ng Mr. & Ms. Paseo de San Pablo 2021 na gaganapin sa March 27.

2nd elimination night pa lang ay bongga na ang mga judges na kinuha. Isa na rito sina Ako Bisaya Congressman Sonny Lagon, Lito de Guzman, vlogger-actress China Roces, Atty. Eman Loyola, Atty. Resty Mendoza, at columnist Throy Catan.

Nagpapasalamat kami sa pag-invite sa amin ng singer-actress na si Gem Castillo, at ang napakabait at mahal ng masa na si Mayor Vic Almante.

Sa March 27 ang final night at tiyak na mas bongga pa ito dahil, bukod sa prizes, ay mas maraming artista ang dadalo sa nasabi First Mr. & Ms. Paseo de San Pablo 2021.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s