Marinella Moran, balik sa showbiz bilang actress at film producer

NI: Throy Catan

NATATANDAAN niyo ba si Marinella Moran?

Nag-umpisa siya mag-artista noong late 90’s sa Seiko Films. 13 years old pa lang ay nakatrabaho na niya ang mga kilalang direktor katulad ni Maryo J. Delos Reyes sa pelikulang “Paraiso ni Efren”. Nakatanggap din siya ng papuri sa kanyang pag-arte at nakatanggap ng nominasyon bilang new actress in showbiz.

Madali ring naputol ang kanyang showbiz career ng nagpakasala siya noong 2005 at nanirahan sa Singapore. Sa ngayon ay busy siya sa small business niya pero inamin niya na na-miss na niya ang showbiz.

Pero ngayong taon, mukhang babalik na sa showbiz si Marinella bilang actress at film producer.

“Show business will always be a big part of my life. There’s one person who keeps encouraging me to comeback. I think I am smart and I am still beautiful. He says showbiz really runs in my blood. hahaha! So why not try again? I miss the people in Manila who I used to work with,” sabi ni Marinella.

Ano kaya ang mga dream role niya ngayon?

“I like mature roles this time. I want to portray role of a mother. Drama and comedy are also okay.” kwento ni Marinella.

May upcoming movie ba siya na dapat nating abangan?

“I am excited to be part of this upcoming movie. For now I want everything to be a secret. Details to follow,” say niya.

Dahil ba sa pagbabalik artista niya, maninirahan na ba siya ulit sa Maynila for good?

“For now I am not staying in Manila. But I will someday. My heart will always be in the Philippines,” deklara ni Marinella.

Sa pagbalik ni Marinella sa pag-aartista, balak niya mag-produce ng mga pelikula para makatulong sa marami especially nagyong maraming walang trabaho dahil sa pandemya. By next month na ang target ni Marinella kung sakaling maluwag na at complete vaccine na ang lahat at excited na din siya sa kanyang pagbabalik pelikula.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s