Marinella Moran, actress at producer sa bago niyang pelikulang “Bratinella”

NI: Throy Catan

NAMI-MISS na ng dating sexy actress Marinella Moran ang showbiz. Ito ang dahilan kung bakit babalik siya sa Pilipinas in the future.

Dapat last year pa siya darating pero, dahil sa pandemya, hindi ito natuloy.

Kahit na kontento ang buhay niya sa Singapore, magbabalik-pelikula si Marinella ngayong taon bilang isang aktres at producer. Siya ang producer ng pelikulang, “Bratinella.”

Sinekreto muna ni Marinella kung sinu-sino ang maka-cast sa nasabing pelikula. Pero ayon sa aming source, dalawang aktres ang makakasama niya: Ang isa ay isang award-winning actress at ang isa naman ay model-actress-producer turned famous vlogger.

Aminado si Marinella na isang big risk ang mag-produce ng pelikula ngayong pandemya, pero naniniwala siya na magiging-successful ito. Maliban dito, dekalidad ang nasabing pelikula at may planong ipaglaban ito sa ibang bansa.

Sa mga hindi nakakaalam, sumikat sa late 90’s si Marinella. Galing siya sa mayamang pamilya na nagmamay-ari ng sugarcane plantation sa Bicol.

Pumasok siya sa showbiz dahil sa kagustuhan niyang maging artista. Sa panahon na iyun, sikat ang mga daring na pelikula katulad ng mga ST at bold films. Isa sa nga kilala niyang pelikula ay “Sa Paraiso Ni Efren” (1999), “Dugo ng Birhen”, “El Kapitan (1999) at College Girls (1999).

Around mid 2000’s, pumunta sa Singapore si Marinella at doon na siya nagkapamilya at nagbago ng career as a business woman. Very successful doon ang kanyang beauty products na “MM Beauty Soaps.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s