AJ Raval at Sean de Guzman, mapangahas na loveteam na magtatambal sa pelikulang “Taya”

BY: Throy Catan

Since 2020, bongga ang acting career nina AJ Raval at Sean de Guzman. Walang patawad sa sunud-sunod nilang proyekto.

Maliban sa Ang Probinsyano, lalo naging maingay ang pangalan ni AJ dahil sa mapangahas pero very funny na movie na “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar.” Sumunod nito ay ang bago niyang pelikula na “Death of a Girlfriend” na kakatapos lang mag-shoot.

Samantala, bagong tinitilian ngayon ng mga kababaihan si Sean dahil sa kanyang daring lead role sa pelikulang “Anak ng Macho Dancer.”

Sa susunod na buwan, mag-uumpisa na mag-shoot sina AJ at Sean sa bago nilang pelikula na “Taya.”

Ayon sa PEP, base ang nasabing pelikula sa isang college thesis na naging stage play sa Cultural Center of the Philippines. May original title itong “Pataya Patihaya.” Nakasentro ang pelikula sa temang krimen at drug abuse.

Mula ito sa direksiyon ni Roman Perez Jr. (Adan), at ang susulat ng screenplay ay si John Carlo Pacala (Bagman).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s