John Arcenas, sunud-sunod ang proyekto ngayong Mayo

NI: Throy Catan

NAG-GUEST ang singer/actor na si John Arcenas sa PEP Live EXTRA! kagabi, May 5.

Dito nilahad ni John ang kanyang upcoming online children’s show, upcoming movie and online series, at ang kanyang latest single.

Unang tinanong ng host ng PEP Live EXTRA! na si Nikko Tuazon ang bagong online show ni John na The Dada Doos. Ayon kay John, sikreto muna ang ilang detalye sa nasabing children’s show pero mahahalintulad daw ito sa mga ilang kilalang show na pambata katulad ng Batibot at Hi-5.

Layunin ng The Dadados na ma-entertain at matuto ang mga bata gamit ang sayaw, kwento, at kanta.

Pinoromote din ni John ang kanyang bagong single na “Tanging Pag-Ibig Ko” na ire-release ngayong buwan. Isinulat ito ni Romer Timbreza at kinompos ito ni Elmer Blancaflor under Evening Productions at TJC Entertainment Productions.

Umulan ng supporters si John mula sa kanyang fans. Ganoon din ang suporta ng mga fans ni Claudine Barretto (Journey) at Chinatics ni China Roces na talaaga namang tumututok sa halos isang at kalahating oras na live interview ni John. Todo talaga ang suporta nila kaya naman laking pasalamat ni John sa lahat ng sumuporta sa kanyang live interview sa PEP.PH.

This year lang, maraming proyektong nagawa ni John. Isa siya sa mga aktor sa isang online comedy series na Pamilya LabyLabo. May tatlo rin siyang pelikula na ire-release this year: ang romantic-comedy na “Crazy in Love with You”, ang biopic drama na “Mamasapano: SAF 44”, at “Bratinella” na pinagbibidahan nina Claudine Barretto at Marinella Moran.

To know more about John Arcenas, follow him on Facebook.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s