Mary Ann Faustino Victori, tinawag na “scammer” si Norman Mangusin o FLM

NI: Throy Catan

“Oo. Scammer siya.” Ito ang maikling sabi ng negosyateng si Mary Ann Faustino laban kay Norman Mangusin o mas kilala sa pangalan na Francis Leo Marcos.

Sa presscon na ginanap sa The Beech restaurant sa Panay Ave., Quezon City, inilahad ni Mary ang lahat kung paano mangloko ang tinaguriang dati na “Pandemic Hero”.

Tinanong namin si Mary kung totoo nga ba na scammer si FLM. Ito ang kanyang sagot: “Yes, dahil isa ako sa na-scam at marami pa kaming local and International supporters.”

Isa si Mary sa unang nag-participate sa “Mayaman Challenge” kung saan binigyan ng donasyon si FLM para ipagbili ng bigas para sa mga kapus-palad sa pandemya. Nag-umpisa sa donasyon hanggang sa nangutang na na malaking pera si FLM sa kanya.

“Sino ba naman ang mag-aakalang scammer siya eh binibigyan ako ng magarang kwarto sa isang hotel. Papaniwalain ka talaga na isa siyang Marcos at siya ang may hawak ng susi sa mga ginto ng Marcoses. Pero ito ang tatandaan ninyo, walang Francis Leo Marcos, ang mayroon ay Norman Mangusin na nakakulong ngayon,” kwento ni Mary.

Dagdag pa niya, “Kaya ako nagsasalita dahil binabaliktad nila ako, na ako raw ay may utang sa kanya ng P12M. Ganyan ang style ng mga humahawak ng social media ni Norman Mangusin, babaliktarin kanila, grabe sila at tinatawag pa nila akong lawlaw, gusgusin, etc.”

Imposibleng mapatawad ni Mary si FLM at sisiguraduhin niya na mabubulok sa bilangguan si FLM. Kasalukuyan ngayong nakakulong si FLM dahil sa ipa pa niyang kaso.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s