ABANGAN SINA John Arcenas at Irene Solevilla SA TEENAGE TALK

BY: Rosahlee Bautista

May bagong palabas na ilulunsad ang EURO TV, ito ang TEENAGE TALK. Swak ang tema ng palabas na ito para sa mga GEN Z. Tiyak na malilibang, masisiyahan at matututo ang mga makakapanood nito. Napapanahon. Hindi lang basta daldalan ito, kapupulutan talaga ito ng aral. Lalong mahahasa rin ang talento sa pag-awit at paghohost ng dalawang teens na hinahasa na rin ang galing sa pag-arte na sina Irene Solevila at ang gumuguwapong si John Arcenas.

Tiyak na aabangan ninyo lagi itong TEENAGE TALK na bagong tambayan sa EURO TV. Mainit na talakayan sa bawat usaping tututukan linggo linggo. TEENAGE TALK ay parang , TARA USAP TAYO. Ano ang concern mo ? Sa nangyayaring gulo, krisis , patuloy na pagbagsak ng mga ekonomiya, pandemya, giyera, global warming at napakarami pang iba, madalas, nababalewala or naiisantabi ang usaping pangkabataan, ano yong usapin at mga problemang kinasusuungan ng ating mga ibagets? Ang nakikita lang natin ay ang pagiging gamers ng mga ito. Bukod sa mga problema sa pamilya kapag galing sa broken family, o kaya napapabayaan ng mga magulang, napariwara, gumamit ng droga, mga broken hearted, maagang pakikipagrelasyon at teenage pregnancy, ilan lang ito sa posibleng mga mga topic ng palabas. Magsisilbing boses rin ito ng henerasyon ngayon.

“Isang makabuluhang palabas bukod sa siyempre entertaining.”Pagmamalaki ng producer, manager ng mga host at ng taong bumuo ng konsepto nito na si G. Throy Catan ng TJC Entertainment Productions. “Titiyakin naming makakapagbigay aliw at magtuturo ng maraming bagay ang palabas na ito. Kaya sana abangan ninyo itong TEENAGE TALK.” Pagtatapos pa nito.

Isa sa mga hosts nito ay si John Arcenas na napansin naming paguwapo ng paguwapo. At gamay na gamay na nito ang mundong pinasok. Napaka natural na nito sa harap ng kamera. Unang napanood si Joh n sa “SEE-NGER”, isang musical reality show, “I CAN SEE YOUR VOICE.” Pagkatapos ng paglabas niyang yon sa aming nabanggit na mga palabas, hindi na mapigilan ang pagdating pa ng kabi-kabilang offers. Kasama rin ang binate sa pelikulang “CRAZY IN LOVE WITH YOU,” “MAMASAPANO, “ at makakasama rin siya sa pelikulang nakatakdang gawin nitong Hulyo , na ipoproduce ni Marinella Moran, ang “BRATINELLA.”

Kasama rin si John sa youth-oriented show na “THE DADADOS.” Inilunsad din ang unang single nito na may pamagat na “A SINGLE SMILE, “nong Pebrero at kalulunsad lang din ng ikalawa niyang single na may titulong “TANGING PAG-IBIG KO. “ Ang composer at musical arranger nito ay sina Elmer Blancaflor at Romer Timbreza. Produced by EV Music at ang manager ni John Arcenas na si Throy Catan ( TJC Entertainment Productions). Mapapakinggan ang mga naturang awitin sa lahat ng digital platforms.

Kung pag-awit ang pag-uusapan, hindi rin pahuhuli ang isa pang host ngn TEENAGE TALK, na si Irene Solevilla. Tinaguriang minstrel ang dalagang ito. Nagsimula ang career nito sa “TAWAG NG TANGHALAN, “ mula sa “IT’S SHOWTIME.” Pagkatapos non, nagsunod-sunod na rin ang mga proyekto ng dalaga. Tulad ni John, kasama rin si Irene sa mga sumusunod na pelikula; “CRAZY IN LOVE WITH YOU,””MAMASAPANO,” at makakasama rin siya sa “BRATINELLA.” Lumabas rin si Irene sa online comedy show na “PAMILYANG LABU-LABO.”

Mapapanood ninyo sina Irene at John sa TEENAGE TALK tuwing Biyernes ng hapon, 4 to 5 ng hapon.

Ang TEENAGE TALK ay mula sa produksiyon ng EURO TV CEO/Founder: Danilo B. Mangahas., mula sa direksiyon ni Zhei Soriano . Sina Brenchie Aniel & Vanessa Cleofas ang Technical Directors. Sina Sam Martos and TJC Entertainment Productions headed by Pres : Throy Catan ang Floor Directors nito. Si Jo-Marie Bala ang Assistant Editor & Marketing Head at Roujay Adora bilang Production Assistant.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s