CHINA ROCES, IPINANALO ANG KARAPATAN BILANG BABAE

NI: Throy Catan

China Roces at Tim Sawyer, nagsimula sa magandang umpisa ang kanilang kuwento ng pag-iibigan. Team sa kanilang mga vlog, sumikat si Tim dahil sa kanilang mga vlogs at social media accounts. Nagkaroon sila ng anak hanggang sa ginulantang ang sambayanan sa lumabas na live video nila noong isang taon at nag-trend ‘yon. Tungkol ang pag-aaway nila sa kanilang relasyon at finances.

Umani ng iba’t ibang reaksiyon sa mga nitezens. Maraming nag-react. May mga nagsasabi pang scripted lang ang lahat hanggang sa may lumabas uling video after nila magkabalikan. Sa puntong sinasaktan ni Tim si China at nakita lahat ng pangyayari sa video, mabigat na mga ebidensiya, bukod sa mga bruises at pasa. Nag-seek agad si China ng medico legal which can be used as a documentary evidence before court to prove the case. May mga nag-isip din na hindi itutuloy ni China dahil may pinagsamahan sila ni Tim, at higit sa lahat ay may anak sila. Ang iba naman, nag-isip na scripted lamang ang lahat.

Pero kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao; kapag nasagad ka, kapag nasaid at naabuso na ang emosyon at karapatan mo bilang tao, at higit sa lahat bilang babae; gaano man kahirap, tama lang ang naging desisyon ni China: to stand up for her right and seek justice.

Isang matapag na desisyon pero tama lang ang ginawang hakbang ni China. Dating FHM model, actress, magaling na host, at nakilalang vlogger. Owner din ng China Roces Boutique. Isa siya sa host ngayon ng Sikat Noon, Sikat Ngayon ng Euro TV. Sinong mag-aakala na ang isang tulad niya ay magiging biktima ng pang-aabuso? Paano na lang ang mga ordinaryong babae, iyung mga mahihina ang loob at nasira na ang self-esteem dahil sa pambubugbog ng kanilang mga partner. Kung hindi man, verbal na pang-aabuso sa mga ito.

Hindi deserve ng kahit sinumang babae ang saktan ng pisikal o kahit pa emosyonal ng isang lalake. Mabuti na lamang at may RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004. Isa itong batas that seeks to address the prevalence of violence against women and their children (VAWC) by their intimate partners like their husband or ex-husband, live-in partner or former live-in partner, boyfriend/girlfriend or ex-boyfriend/ex-girlfriend. Pero hindi lahat ng babae ay alam gamitin ang batas na ito. Nagpapatalo sila sa emosyon at matinding takot.

Nagsampa ng kaso si China Roces laban sa kanyang ex-live-in partner na si Tim Sawyer after may ebidensyang sinasaktan siya nito physically. At walang duda, guilty nga ang naging hatol kay Tim. Kung kaya’t nito lang nakaraang Huwebes, ika-27 ng Mayo, nagtungo ang National Bureau of Investigation Special Action Unit sa residence ng vlogger na si Tim Sawyer who has a standing arrest warrant for domestic violence.

The family court of Trece Martires in Cavite ang nag-issue ng warrant of arrest. Kaso, sa kasamaang palad, hindi inabutan ng mga awtoridad si Tim sa bahay na tinitirhan nito, kundi mga kaibigang nakikitira lamang ang nandoon. Ang sabi nila nasa Pampanga si Tim nang mga sandaling iyon. Kaya ngayon, si Tim Sawyer ay wanted for violation of Republic Act 9262 or the Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s