Gobernador Daniel Ramirez Fernando: Hindi Lamang Magaling na Artista, Butihing Ama ng Bulacan

NI: Throy Catan

Walang hindi makakakilala kay Daniel Fernando. Kakambal na yata ng Scorpio Nights ang kanyang pangalan bilang si Danny, na isang peeping Tom na naturang pelikula noong 1985 na very kontrobersyal, pinagbidahan nila noon ni Anna Marie Gutierrez na ngayon ay naninirahan na bilang pribadong mamamayan sa New York kasama ang asawa at nag-iisang anak na babae. Mag-aaral pa lamang siya noon sa University of The East nang makuha niya ang role ni Danny after niya mag-audition. Personal choice siya ng dating director na kamakailan lang namaalam na si Peque Gallaga. Si Direk Peque ang nagbukas ng pinto at humubog sa galling ni Daniel Fernando. Sinundan iyon ng Macho Dancer noong 1993.

Hindi matatawaran ang galing bilang actor ni Governor Daniel Fernando. Nanalo siya sa PMPC Star Awards for TV Best Drama as Supporting Actor noong 2017 sa Ikaw Lang ang Iibigin ng ABS CBN 2.

Hindi lamang nakilala bilang mahusay na artista, naging mahusay ring politico. Siya ang ika-34 na gobernador ng isa sa pinakamalaking probinsiya sa Pilipinas, ang Bulacan. Bago naging ama ng Bulacan, nanungkulan muna bilang Bise Gobernador si Governor Fernando (ipinanganak bilang Cesar Fernando Ramirez noong ika-2 ng Mayo, 1962), tubong Guiguingto. Nagsilbi rin siyang board member, at SK Chairman, dito nagsimula ang kanyang panunungkulan bilang politiko.

Panalangin ni Governor Fernando para sa kanyang kaarawan na kalilipas lamang ay ang pagkakron ng solusyong medical ang krisis na kinakaharap ng mundo, ang Covid-19. At makahanap ng epektibong paraan upang hindi na ito kumalat pa.

Bago pa mandin nagkaron ng pandemic, masipag na politiko si Governor Fernando, hindi ito tumitigil. Walang kapaguran ika nga, umulan o umaraw, araw man o gabi. Action man. Nasa puso nito ang paglilingkod ng buong tapat.

Maraming pagsubok, hindi lang sa bagyo, pandemic ang kinaharap ni Gobernador, kamamatay rin noong Pebrero, 2020 ng kanyang pinakamamahal na butihing inang si Aling Luningning dahil sa sakit.

Labis rin niyang ikinalungkot ang pagpanaw ng magaling na director na si Peque Gallaga na itinuturing niyang naging gabay niya sa pagiging actor niya at siyang nagbukas ng pinto para sa pagiging artista. “Inalalayan, inalagaan niya ako noon. At kailanman hinding hindi koi yon malilimutan at habambuhay kong tatanawing utang na loob.”

Kilala din si Governor Daniel bilang matulungan at maawaing tao. Umaalalay ito sa mga kapwa artista at mga tao sa industriya na nangangailangan ng tulong lalo na sa panahon ng Covid-19 pandemic. Batid niyang maraming sinubukan ang tatag at pasensya nitong panahon ng krisis, nawalan ng pag-asa at nasira ang pananampalataya. Ayon pa sa butihing gobernador, “Ito ang pinaka mahirap na role na ginampanan ko. Pero hinding hindi tayo susuko. Public service is a calling. Isang malaking responsibilidad. ANg mga tao ay umaasa sa ating bilang ama ng lalawigan. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para makapaglingkod ng tapat at maayos.”

Inilunsad ng opisina ni Gobernador ang DF Kumustahan At Ayuda Sa Panguluhan ng Lahat ng Homeowners Association Ng Bulacan. Ngayong araw ,June 1 mula ala una ng hapon , District 1, 2 at 3 ang kanilang inasikaso. Bukas, ikalawa ng Hunyo, alas nuwebe ng umaga naman ang District 4. Ito’ y bagong programa mula sa sipag at tapat na paglilingkod ng tinaguriang “The People’s Governor.”

Mapalad ang mga taga-Bulacan sa pagkakaron ng isang ama ng lalawigan na tulad ni Gobernador Daniel R. Fernando, isang kamala-malaking lider.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s